Tama.
Tama ka.
Tama ka nga.
Tama kang dapat tayo.
Tama kang dapat tayo—ikaw at ako—ngayon.
Tama kang dapat tayo ngayon, ngunit maling panahon.
Tama kang dapat tayo ngayon ngunit sayang dahil sa maling panahon.
Tamang tao pero sa maling panahon—ako at ikaw—tayo.
May mali nga bang panahon kung sa tamang tao?
Maling panahon; maling oras, maling tiyempo.
Maling panahon tayo.
Mali tayo.
Mali to.
Mali.