Tama.
Tama ka.
Tama ka nga.
Tama kang dapat tayo.
Tama kang dapat tayoikaw at akongayon.
Tama kang dapat tayo ngayon, ngunit maling panahon.
Tama kang dapat tayo ngayon ngunit sayang dahil sa maling panahon.
Tamang tao pero sa maling panahonako at ikawtayo.
May mali nga bang panahon kung sa tamang tao?
Maling panahon; maling oras, maling tiyempo.
Maling panahon tayo.
Mali tayo.
Mali to. 
Mali.

At isang sabi mo lang
Papunta na ako
Tumatakbo
Papalapit
At susunod —palayo
Sa’yo.